Sunday, April 28, 2013

calaguas



Calaguas

Vinzons, Camarines Norte

This is a long overdue kwento ng pagpunta namin ng Calaguas.we went here ng holy week April 2011 pa.ito ang problema ko pagkakatapos ng isang island getaway namin, inaabot ako ng katamaran na mag post ng picture at magsulat. Mas gusto ko uli maghanap sa internet ng bagong island ng pwede puntahan. Anyway, Calaguas is truly an eye candy for me, sarap tingnan. Kahit san ako mag point and shoot at kahit mumurahing camera lang ang gamit ko,postcard perfect pa din ang resulta.
Para sa akin, madali lang ang naging pagpunta namin dito. Nag avail kasi ako ng package tour para wala ng hassle.Kaya wala ako masyadong mai-ishare kung paano ang step by step na pag co-commute papunta  dito. Considering na dalawa lang kami, ako at ang jowa,  alam namin na malaki magagastos namin kung kami lahat mag sho-shoulder  ng lahat. Nakuha namin ang package tour ng 3500 per person,3 days and 2 nights, this includes van ride from Manila to Vinzons, Camarines Norte. From Vinzons, banca naman for 2-3 hours to Calaguas. Included na din ang meal at tent as accomodation at mga entrace fee kung meron man. So basically, wala na kami halos bitbit.
Since we’re from Batangas, I asked the organizer kung pwede na sa Brgy Turbina na lang namin sila abangan instead na sa Quezon City pa, which is the pick up point. They agreed naman and they picked us up at around 10pm. Eto na ang mga set back ng pag join sa mga pacakge tour, since kami ang pinaka huli na sumakay ng van, wala kami choice sa pwesto namin. Hindi sya comfortable at masikip, pero kelangan namin ‘to pagtiisan ng 7 hours. After ng ilang stop over at makapigil hiningang pag da-drive ni manong driver , we finally arrived at Daet at around 6am. Gusto ko ng makarating ka-agad agad sa Calaguas pero ang daming segue. Siguro kasama talaga to sa package, nag stop over kami sa Jolibee Daet for breakfast daw. After non, dumiretso kami sa Vinson Church para mag picture taking naman daw. It’s almost 9am na pero wala pa ako nakikitang dagat.

Vinzons Church, Lately nakita ko sa news na nasunog ang Vinzons Church. One of the oldest sa Pilipinas. It’s a good thing pala na nag segue kami dito on our Calaguas trip.

Finally at past 9am e nakasakay na din kami sa bangka, 2-3 hours daw ang journey at wala man lang bubong ang bangka. Hindi na naman kami nakahanda dito, wala pa kami sa Calaguas pero sunog na kami.Medyo rough ride daw ‘to, kaya ito ang pinaghandaan ko, pero surprisingly, hindi naman ako na alarma or anything. Siguro kasi ine-expect ko na pag sinabi na malalaking waves e tubig na parang nasa loob na ng washing machine, ung nag bu-bula bula na ang tubig sa sobrang rough. Calaguas or Mahabang buhangin is part of Tinaga Island. Mas kilala lang ito sa Calaguas kasi ito lang ang part ng Tinaga Island na pinupuntahan ng mga turista. After naming  makarating sa Tinaga Island, Para na kaming mga bata na nag aabang na magandang surprise sa bawat turn ng bangka. Nag roller coaster na ang feelings ko kasi akala ko eto na, hindi pa pala, tapos eto na uli, pero hindi pa din pala.


 Finally, pagpasok namin ng isang cove, sinabi ng boat captain na eto na yun.Well, hindi ako masyado na impress. Sobrang taas ng expectation ko at sa layo ng biyahe namin, parang feeling ko hindi sya worth it. Pero habang lumalapit sa shore line ang banca,nagbabago ang scenery. Nagbago ang kulay ng tubig at sobrang gumanda ang paligid. Perfect 10! Super ganda ng Calaguas. Para kang pumasok sa mga post card na ginagamit sa pag popromote ng Pilipinas. I was the first one na bumaba ng bangka, hindi ko ma explain ang feeling, ito na ang pinakamagandang beach na nakita ko. Super white at pino ng buhangin at hindi sya mainit kahit 12 noon. The pictures tells it all. Everytime na naalala ko ang Calaguas, bumabalik ako sa happy place.






After ma assign ang tent namin at makapaglunch, we had all the time to do whatever we want.  Sa sobrang puyat at pagod sa biyahe, natulog muna ako, unbelievable,natulog lang ako buong hapon..hehehe.
Another set back sa pag sama sa mga package tour e ung hindi mo naman kilala mga kasamahan mo. Hindi pa naman ako ganon ka friendly. Some of them e nakabuo na kaagad ng group nila at nagchichikahan na. Nakaka bored din sa isang lugar kahit paradise pa ito kung hindi naman kayo click ng mga tao sa paligid. Isa pang set back is hindi namin kontrol ang oras ng pagkain. Kahit gutom na kami wala kami magawa kung nag eenjoy pa sa pagpipicture ang mga organizer ng tour. Yes, hindi sila naka concentrate sa business nila. I mean, ilang beses na nila nakita ang Calaguas kaya dapat unahin muna nila ang mga guest nila, pero hindi e. Anyway, lesson learned, don’t rely too much sa mga promises at promotion sa mga tour.
Next morning pa kami nag decide na mag swimming ng todo. Sobrang inviting ng tubig sa mahabang buhangin. Cyan talaga ang kulay ng tubig. Sa sobrang excitement, umaga pa lang nag swimming na kaagad kami. Pero hindi ako nakahanda sa mga nakaka-irita na maliliit na jellyfish. Every morning yata at kapag ganitong season e lumalabas ang sobrang dami na parang plastic na jellyfish.Hindi ka makakalangoy kasi sasabit sya sa kamay at buong katawan mo. Although hindi naman sya delikado, hindi pa din masayang maligo na kasabay sila. My husband decided na mag snorkel pero walang reef dito at wala talagang isda. Wala na kaming ibang activity na magawa  kaya nag decide kami na i-check ang isang side na mabato. Surprisingly, iba na ang kulay at texture ng buhangin pagtawid namin sa dulo ng mabatong part. Para ng brown sugar ang buhangin at mas malakas na ang alon, pero it’s still beautiful. We stayed here until noon, pero still wala pa ding magandang area to snorkel. Relax relax lang at swimming swimming hanggang sumakit ang balat sa init.




After lunch, naghanap kami ng magandang pwesto para magkabit ng hammock. This is life, reading book sa hammock hanggang makatulog.
 For those wondering kung ano ba i-expect nila sa Calaguas, well, walang power supply dito. Most of the tour organizer bring their generator  para may ilaw sa gabi. May fresh water naman para sa pagbabanlaw pero hindi pwedeng inumin and you have to pay per container (at that time e parang 10 pesos per container), good thing kasama na din to sa package namin kaya wala na kami binayadan. And yes, may basic toilet dito. Ito ang isa sa pinaka niresearch ko before bago ko i-avail ang tour. Importante sa lahat ang banyo di ba. Wag lang tayo mag expect ng resort type ng CR, basic lang talaga.
On our last day in Calaguas, wala na kami masyado energy kaya picture picture na lang. Another disadvantage sa package tour e hindi na naman namin mahulaan ng eksaktong oras ng alis. Since mga lasing ang organizer ng nagdaang gabi, tangahalian na ng mag almusal kami. I heard na we’re scheduled to visit bagasbas beach pero wala ng oras. Pagbalik namin sa Daet, nag lunch uli kami at bumili ng pasalubong. We waited for hours na bumalik na ng Manila kasi late na sila nakasunod sa amin sa Daet. We left Daet at around 5 and arrived in turbina again at 12mn.
I guess hindi na hidden paradise ang calaguas, Madami ng nag a-arrange ng tour dito at madami ng nagkwekwento ng ganda nya. Pero sana it stay the same. Tahimik at malinis na paradise para mas madami pang maka enjoy.




No comments:

Post a Comment