Sunday, April 28, 2013

apo reef



Apo Reef
Sablayan, Occidental Mindoro

Holy week again, March 2013, nagiging panata na yata namin ‘to. 3 years straight na kami nag lalakwatsa tuwing Semana Santa, syempre bukod pa yung mga in between na ipilipilit namin. Pero iba kung holy week, kelangang pinag-isipan at plinano namin ang mga lakad namin. Ilang beses ako nag research ng ibang lugar na pupuntahan namin. Hindi naman talaga sa apo reef ang balak namin.  One week na lang hoy week na at kelangan namin I push aside ang nauna naming plan papuntang Cresta De Gallo dahil sa hirap ng transportation. Nag suggest si jowa na i-try namin nag apo reef. Sa totoo lang e hesitant ako na i-push ‘to. Una, alam kong napakamahal ng boat rental dito, more or less e 7500, pangalawa e napakalayo ng Sablayan, at pangatlo, from Sablayan e mag babangka pa kami puntang Apo Reef.  Okay lang sa ‘min ung layo ng byahe..ang turn off para sa akin e ung presyo ng bangka considering na 4 lang kami.
Anyway dahil holy week naman at minsan lang ‘to.. nag try ako tumawag sa tourism office nila . Positive naman agad ang sagot, may naka book daw na 2 groups ng araw na gusto din namin kaya pwede kami isama alin man sa kanila para madami kami magdi-divide ng renta. Finally, naayos namin ang booking for Apo Reef, sasama kami sa isang group ng 5 persons for 3 days and 2 nights.Ang presyo ng renta is 10k, pwede na siguro kasi madami naman kami at 2 nights naman ‘yun.  We decided din na isakay sa roro ang kotse namin para di na kami magbitbit ng madaming gamit for camping. Dalwa ang vessel na may byahe puntang abra de ilog. Ang Besta at Montenegro Lines. Abra de ilog ang pier na kelangnan namin babaan para makarating sa Sablayan. Roro fare is 1,872 pesos para sa SUV plus nagbayd pa kami para sa dalawang tao ng 260 pesos each, libre na kasi ung 2 pa dahil ng sasakyan. We left Batangas Pier ng 1pm at we arrived in Abra de ilog at around 3:45. From Abra de ilog kelangn naman namin mag drive ng 124km to Sablayan,3 hours ang byahe. 


Nung una hindi kami maniwala na 3 hours ang byahe dahil sa ganda ng kalsada ng mga bayan na nadaanan namin. Picture perfect pa ang mga bundok at palayan na iba iba nag shade ng green at brown. Parang ung mga nakikita mo lang sa kalendaryo na free sa gasolinahan. Dito pa lang e sulit na ang byahe namin. Ito ang advantage ng may dalang sasakyan,anytime na gusto namin tumigil tuwing nakakakita kami ng magandang scenery e karakaraka na baba kami at mag po-pose. Until makarating kami sa rough road.. dito na kami nagsimulang kabahan mga halfway pa lang kami pero rough road na at hindi namin alam kung hanggang saan ito. Putol putol na ang maayos at malubak na daan kaya inabot din kami ng 3 hours. Pero generally I would say na smooth ang biyahe namin.

As I said bago kami umalis ng Batangas, sinigurado muna namin na confirm na ang booking namin, pero pagdating namin ng Sablayan, nalaman ko na nag back out na pala ng araw na yun ang isang group na makaksama namin. Wala na kami choice kasi andito na kami, ibig sabihin kami ang magsho-shoulder ng 10k na bayad sa bangka..arrghh! On the bright side, may dalawang foreigner na gusto mag join sa amin, so from 9, magiging 6 na lang kami.

La Sofia Apartlle

Nag check-in kami sa La sofia Apartelle. Malapit lang sya sa town plaza at sa tourism office. Room rate is 950 for an aircon room na may dalawang single bed at toilet. Nagdagdag na lang kami ng 150 for an extra mattress since 4 kami at di kami kakasya sa dalawang single bed.
Kinaumagahan namili muna si jack at ang jowa ko ng mga kailangan namin para sa 2 nights stay namin a apo reef. Medyo malayo ang apo reef at kelangan na enough ang dala namin. Dumaan muna kami sa tourism office para I meet ang dalawang foreigner na makaksabay namin at para i-settle ang mga dapat bayadan. Ang sorpresa sa amin e ng may babaydan pa pala kami na 1500 para sa tourist guide, na later e napakalaking tulong sa amin kaya wala naman kaming regret sa pagbabayd, sana lang naabisuhan kami  before kami mag confirm ng booking namin.Plus 225 pesos each na entance fee,  so all in all nagbayad kami ng 12,850 divided to 6 of us, medyo mahal talaga! Pwede din kayo mag rent ng tent at snorkel  dito. Iniwan namin ang sasakyan namin sa staff ng tourism office matapos maikarga ang mga gamit sa bangka. By 9 am, nagsimula na kami mag byahe ng 2-3 hours puntang apo reef.

Kami lang at isang grupo ng divers ang guest sa apo reef kaya pwede kami pumili ng lugar kung san namin ipwe-pwesto ang mga tent namin.
campsite
 This is what to expect sa Apo Reef, walang fresh water at power supply, pero hindi sya totally untouched, in fact may tatlong concrete office building dito at isang multi purpose hall.Dalwa dito e bakante, bagong gawa pa lang ang  isa na malapit sa camping site, dito din gumagamit ng toilet ang mga guest, samantalang ang isa naman e totally abandon na,madadaan sya on the way sa light house, habang ang pangatlong building ay ino-occupy ng mga taga government, hindi lang malinaw kung anong department sila, dito may solar panel at dito din kami nakiki charge ng cellphone at camera sa tulong ng James (our tour guide).




 Apo Reef is beautiful above and under. Dito hindi ka mabo-bored dahil hindi lang white sand at ganda ng beach ang kaya nyang i-offer Before the sun set,  sinamahan kami ni James  sa light house. Kinabukasan naman ang pinaka inaabangan naming activity, mag snorkel Apo Reef style.  After breakfast, sumakay na kami sa bangka para simulan ang pag snorkel tamad tamadan style, wala kami gagawin kundi kumapit o sumampa sa bamboo grid na mabagal na hihilahin ng bangka palibot sa island. Ito na yata ang pinaka sulit na activiyt na ginawa namin, nakalimutan ko tuloy na ang mahal ng binayad namin dahil sa sobrang saya ng activity na to. Napakaganda ng ilalim ng apo reef, we saw white tip shark, napoleons, sea turtles, iba iba kulay, laki at klase ng isda at corals na hindi ko na kilala, we even saw 2 divers under..hehehe. Halos one hour din na magpapakasawa kami sa pag snorkel. After noon, nagpahinga muna kami at nag swimming naman.



lighthouse

view from top of the lighthouse

lagoon

 After lunch, sinamahan naman kami ni james sa lagoon. Another fun activity. And after that sa isang part ng island na puno ng matatalas na coral. hindi ka mauubusan ng gagawin at hindi ka mabobored dito.
On our last day, nagising kami ng maaga para panoodin ang pawikan na mangitlog sa tabi ng dagat. Sadly, on our last day din nagsimulang dumating ang madaming turista, both  locals of Sablayan and from other places. Nawala ang peaceful life namin ng nagdaang araw. I heard from James na ang ideal lang i-accommodate ng island is 150 persons pero at that time siguro lampas na sya ng 300. Actually binilang ko ang tent that morning at more than 50 na ang nakatayo within sa  camping site namin bukod pa sa beach front.
After malinis ang camp site namin at ma-i-load sa bangka ang gamit at basura namin, nag bye bye na kami sa island, pero hindi pa pala tapos ang pwede naming gawin. Nag segue ang bangka sa isang island, mga 30min away from Apo reef. Hindi pwede mag dock ang bangka malaipt sa island dahil sa baba ng tubig at dami ng corals. Dito uli kami nag snorkel on our own way na. Para kang nasa loob ng giant aquarium. Another one hour na naman kami nagbabad dito. On our way pabalik sa Sablayan sinabayan naman kami ng mga balyena.. I’ve been waiting sa mga dolphin na magpakita pero mga 15 balyena nag nagpakitang gilas sa ‘min.

Sa tourism office sa Sablayan na kami sinamahan ni James na magbanlaw at mag ayos ng gamit  bago bumalik ng Abra De Ilog. Isang chill na road trip na naman pabalik. Kinailangn pa namin matulog ng isang gabi na naman sa Abra de ilog, Good Friday kasi at walng biyahe ng barko pabalik ng Batangas. Another successful summer getaway!


Sablayan Tourism Contact No.: +63 9294280431


No comments:

Post a Comment