Wednesday, May 14, 2014

Kalanggaman Island


Kalanggaman


Palompon, Leyte


During lunch break sa office namin, wala ako iba inaatupag kundi mag basa ng blog and look for a place to visit, particularly island on our beloved country Philippines. I chanced upon this islet in Leyte. Nabuhay na naman ang dugo ko at nag search ako ng mga how to get there sa google. This time, plano namin na isama ang anak namin na 7 year old at anyone na interesado. After planning at pag-iisip kung itutuloy namin to, we finally went here on summer 2012, April (holy week) again to be exact.
I booked our flight one week before our planned trip. Nag hihintay kasi ako ng mga promo sa airline pero mukhang wala since holyweek ang schedule namin. Our flight is Manila-Tacloban (Leyte), 12 pm via Zest Air. This will be our first trip na ako nag arrange ng lahat, sabagay ito pa lang naman ang pangalwang trip namin for our annual island trip. Last year was in calaguas. We arrived in Tacloban at around 1 pm,  sa labas lang ng airport may mga nakaabang ng tricycle at taxi to bring you sa destination mo. We choose taxi kasi madami kami bitbit na mga gamit. I can’t exactly remember ang binayad namin sa taxi, more or less e mga 200 yata to Tacloban Grand Terminal. Actually hindi naman sya ganon kalayo mula sa airport, halos mga 10-15 minutes lang. Sa Grand Terminal kasi kami sasakay ng van to Palompon. Fare is 150 from Tacloban to Palompon. It’s 2 pm at yung van na sasakyan namin na daw ang last trip. Nagbayad pa kami ng extra seat para wala ng mag occupy sa sa tabi namin kasi sobrang sikip. From Tacloban to Palompon is 3 hours.
The taxi that will bring us to grand terminal

 
Finally at around 5 pm e nakarating na kami sa Palompon. Nag check-in kaagad kami sa I think e nag iisang lodging dito. Maliit lang na bayan ang Palompom, actually pagdating ng van sa terminal which is located sa covered court na part din ng palengke nila e walking distance lang puntang  PACCI kung saan kami mag che-check-in. Ang rate nila is 1250 pesos for an aircon room na may dalawang single bed at sariling toilet.


 
view from our room, as you can see, everything is within reach, palengke, port, terminal at nasa side ang church
 
Our room.
After naming makapahinga, we decided to check out the town plaza. Hindi ko alam kung fiesta ba o kung may okasyon ba that night pero meron silang parang night market just outside the church. May mga ukay ukay at madaming nagbebenta ng street food. After magsimba ng mga tao, diresto sila sa mga nagbebenta ng street food. Actually dito na kami nag dinner, kumpleto sila ng ng mga tables at upuan at iba ibang klase ng inihaw with kanin. Solve na ang dinner namin, sing sarap pero hindi sing mahal. It reminds me of Pasar malam in Malaysia.
dinner time

night market

 
The next morning, maaga pa lang e nag punta na ang mister ko at ang aming bagong travel buddy na si Jack sa palengke to buy things na kailangan namin for an overnight stay. After namin mag check out diresto na kami sa tourism office nila sa palengke. Medyo strategic ang location ng lahat dito, hindi na namin kailangan mag lipat lipat ng lugar kasi magkakatabi lang ang palengke, ang pier, tourism office at PACCI.
Unfortunately, wala ng available ng bangka ang tourism office ng oras na yun, dapat daw nagpa sked kami..ugh! Siguro naawa sa amin kasi ang layo pa ang pinanggalingan namin, tumawag sila sa available na bangka na nasa Kalanggaman  para bumalik at sunduin kami. Habang hinihintay namin ang bangka, may ilang bagets na dumating din para mag rent ng bangka. Kaya na divide ang cost ng renta. Boat rental is 3500 for an overnight stay, meaning ihahatid ka nila sa Kalanggaman at they will stay there until the next morning para sa pagbalik nyo sa main land.
you need to register here first

first sight

 Hindi naman kalayuan ang Kalanggaman from town, it’s only 45 minute boat ride.
We arrived at Kalanggaman at around 10am.Malayo pa lang pero makikita na kaagad ang white sand nya. Hindi sya crowded considering na easter Sunday non (time ng mga outing-an) at hindi naman sya ganon kalayo from Palompon town. Sa sobrang excitement ng anak ko ng makita nya kung gaano kalinaw ang tubig, kaagad agad e nagpalit na ng damit at nag swimming na kahit hindi pa namin nase-settle ang entrance fee at rental sa shed type cottage. Entrance fee is 50 pesos per person, may mga for rent na table (hindi ko nakuha nag price since shed type kinuha namin), chairs (25 pesos each) at meron ding shed type na cottage na may sariling table at upuan for 350 pesos.


dahil cloudy hindi masydo makita ang pagka white sand, but still the water is stunning
For me the beach of Kalanggaman is swimming friendly, the water is emerald green with fine white sand. It can’t be compared to other beaches dahil lahat naman ng beach ay may kanya kanyang distinct beauty. Islet lang ang Kalanggaman, sa sobrang maliit lang nya, pwede ka makapunta from one end to another end ng mga 30 minutes lang siguro na paglalakad. Sinamahan ko si kiddo na mag swimming habang nag luto ng lunch ang dalawang boys (ganon talaga ang role).
going to the other end of the islet

mag jump shot pero hindi magkasabay sabay, according to weight ang talon...hahaha

yes, we have this side all for ourselves!
Jack having the a grand time

Here’s what to expect in Kalanggaman, wala syang power supply, wala din fresh water, so you have to bring everything talaga at dapat enough or sobra pa ang baon nyo. Pero, yes, may toilet dito..yeheyy! since walang fresh water, ang gagamitin mo para mag banlaw is tubig dagat din. May office/cottage dito pero medyo hindi clear sa akin kung anong group, government or  NGO ang nag stay dito. Ang clear sa akin e okay ang security kasi may autoridad na kasama sa island.
 
 

no swimming allowed on this part of the islet
Spending a night here is one of the most memorable, na realize ko na one night is really not enough. It's perfect for just chilling out with  a couple of beer plus sound dock under a full moon. Ito talaga ang ideal island get away, walang mga bar at mga lasing na maingay, i'ts just us, the beach and the full moon.
Sadly we have to go na the next morning, we have to go back to Tacloban dahil early flight ang pabalik namin sa Manila. On the brighter side, meron pa kaming time mag explore sa Tacloban because we will spend our night there to catch our  flight the next day. We left Kalanggaman at around 9am para sure na may masasakyan kami from Palompon to Tacloban.
There's a new adventure awaits us in Tacloban, hopefully magkaroon uli ako ng time na makwento kung paano kami tumakbo sa San Juanico bridge at sa McArthur's landing, halfday na adventure pero sulit!

afternoon walk
It's been two years since we went here, definitely madami ng nabago, specially after typhoon Yolanda hit this part of Visayas. I haven't heard any news about Palompon, pero sana they're okay.
 

Monday, April 29, 2013

Kwebang Lampas

Kwebang Lampas
Pagbilao, Quezon



 Naligaw kami at nakalampas ng isang bayan before we found Kwebang lampas. Well it's a 50% planned at 50% unplanned quick getaway. It's already 10am at hesitant pa kami if we're going to push this one.Meron kasi kaming one week Christmas break at sayang naman kung uubusin lang namin sa pag nganga sa bahay, hehehe. Nagkataon pa naman na madalas ang bagyo at hindi kami makaplano ng malayong vacation because of the weather. Anyway, I only have a screen shot of how to get there from other blogs. Coming from Batangas we pass by the towns of Ibaan, Rosario and San juan Batangas and  then Sariaya, Lucena and finally Pagbilao,Quezon. 
Alam kong walang accomodation sa Kwebang lampas at wala din kaming dalang tent although pwede naman mag camp overnight dito basta may dala kang sariling tent or pwede ka ding mag rent ng tent sa caretaker, kaya nag suggest ako sa asawa ko na i check namin ang Anitas Butterfly Garden Resort in Padre Burgos. Our plan is to stay there for a night and then leave early morning to kwebang lampas, I am so eager to see this resort because of the good reviews I read form other blogs. Sa totoo lang hindi naman talaga ako sure kung gaano kalayo ang Padre Burgos sa Pagbilao, pero dahil nag marunong ako, I insisted na malapit lang siguro yun. On our way sa town ng Pagbilao, nadaanan namin ang "This way to Silangang Nayon" in brgy. Bantigue. We decided to check this out para may alternative kami.. But I'm a bit disappointed when we reached the place. Siguro because i expected more.They don't have a decent beach front or pool for swimming. The rooms is in a three storey building with terraces fronting the beach, and overlooking their restaurant sa baba. We said that we're just going to take alook at Pico de Playa a few kilometres from them and will come back if that don't suit us. We checked out this pico de playa, the place looks nice and huge, the guard immediately asked us if we have reservation and if we are a member of this exclusive place, obviously we're not. So we don't have any other choice but to turn around and look for Anita butterfly garden resort in Padre Burgos.
 On our way to Padre Burgos we passed by Brgy Polo, makalampas lang ng town proper ng Pagbilao. Actually nakapasok na nga kami sa brgy road nila, pero bumalik kami at nag diretso sa national highway papuntang Padre burgos, not knowing na ito na pala ang tamang daan papuntang kwebang lampas. when we reached padre burgos, we asked the locals the way to anita resort, sabi nila mga 30 min pa, sobrang malayo talaga sya. Tinanong na din namin kung may mga bangka na marerenta puntang Kwebang Lampas,. they point us to Brgy. Basiao,we met some locals there and agreed to come back early morning to rent their banca that will take us to the beach,  and again we continue our long drive to anita resort. finally at 6pm we reached the resort.just by looking on their gigantic iron gate, gusto ko ng mag backout at magsisi kung bakit hindi pa kami nagsettle sa Silangang Nayon.Ppero wala na kaming ibang choice, madilim na at ito lang ang available resort na alam ko. I'm so dissappointed because the place looks napabayaan. yes its big and has two pools pero puro tuyong dahon and really looks dirty. it even looks creepy! kami lang ang tao sa entire resort. hindi sila beach front at hindi na namin nagawang i check ang paligid. we just stay inside our room .I'm sorry to say this but it even looks haunted. With all those big mirrors and old furnitures, maybe it's grand and classy a decade ago, but now its super outdated. The only saving grace is that they have cable on their 21" tv.. hahaha. All we think is sana mag umaga na, by the way its 3200 for an overnight stay on their suit room (queen size bed, with aircon and toilet at madaming langgam) , with breakfast. 




We went back to brgy Basiao the next morning. They asked us kung san muna namin gustong pumunta. Meron silang organize tour with a fixed prize. We can choose if we want to go to Borawan or Dampalitan beach or to Kwebang Lampas or Puting Buhangin only. Kwebang Lampas is the most expensive since its the farthest of all.We chose kwebang lampas, and will have a side trip to borawan after kung kaya pa namin. it's a more or less one hour boat ride from Basiao. We passed by Borawan beach but I don't see anything spectacular except those two big rocks and that's all. Kaya malamang na pass kami dito. Finally, Kwebang Lampas!








 I totally forgot all our misadventures the moment i saw the beach. the water and the sand reminds me of kalanggaman island. the water is emerald green and the sand is nakakasilaw na puti.. literally.Nakakagulat lang isipin na under rated ang beach na to, to think na konting drive na lang from Laiya, San Juan Batangas at narito ka na. Pero sa isang banda, mas mabuti na siguro yun para hindi masira ang ganda ng lugar. Entrance is 50 each and you can rent a shed type cottage for 350 pesos. Merong toilet and you can buy water for rinsing for 20 per container. The caretaker of the beach is living there with his family,  you have to pay the entrance fee sa kanila, they also have a small sari-sari store. We had some chit chat with other guest at nalaman namin na last night pa sila dito. From Pagbilao town proper they drove to brgy. Polo. Yung brgy road na may terminal ng tricycle na napasukan na namin pero we chose to ignore. Diretso lang daw sila all the way to Pagbilao power corp. it's also a long drive pero hindi naman kasing layo papuntang Padre Burgos. They left their car parked on a parking area near power corp and cross the small lake. May nag aabang na mga bata with their small bancas that will take you to the other side for 20 pesos each. After that is just a walking distance to the beach. If your a big group or madami bata or gamit and you dont want to walk you can call the caretaker in advance to fetch you on the other side for 250 pesos with their bigger banca. Yes, there's no accommodation but you can rent a tent for 300 pesos, you also need to call in advance to reserve. Okay, alam ko na ngayon, it'll be much easier the next time we come here.we'll definitely come back, its not crowded, its accesible, it's cheap and it's beautiful  can't wait for a sunny day. 

Kwebang Lampas Contact No: 0918 268 9402 (Lando)

Sunday, April 28, 2013

apo reef



Apo Reef
Sablayan, Occidental Mindoro

Holy week again, March 2013, nagiging panata na yata namin ‘to. 3 years straight na kami nag lalakwatsa tuwing Semana Santa, syempre bukod pa yung mga in between na ipilipilit namin. Pero iba kung holy week, kelangang pinag-isipan at plinano namin ang mga lakad namin. Ilang beses ako nag research ng ibang lugar na pupuntahan namin. Hindi naman talaga sa apo reef ang balak namin.  One week na lang hoy week na at kelangan namin I push aside ang nauna naming plan papuntang Cresta De Gallo dahil sa hirap ng transportation. Nag suggest si jowa na i-try namin nag apo reef. Sa totoo lang e hesitant ako na i-push ‘to. Una, alam kong napakamahal ng boat rental dito, more or less e 7500, pangalawa e napakalayo ng Sablayan, at pangatlo, from Sablayan e mag babangka pa kami puntang Apo Reef.  Okay lang sa ‘min ung layo ng byahe..ang turn off para sa akin e ung presyo ng bangka considering na 4 lang kami.
Anyway dahil holy week naman at minsan lang ‘to.. nag try ako tumawag sa tourism office nila . Positive naman agad ang sagot, may naka book daw na 2 groups ng araw na gusto din namin kaya pwede kami isama alin man sa kanila para madami kami magdi-divide ng renta. Finally, naayos namin ang booking for Apo Reef, sasama kami sa isang group ng 5 persons for 3 days and 2 nights.Ang presyo ng renta is 10k, pwede na siguro kasi madami naman kami at 2 nights naman ‘yun.  We decided din na isakay sa roro ang kotse namin para di na kami magbitbit ng madaming gamit for camping. Dalwa ang vessel na may byahe puntang abra de ilog. Ang Besta at Montenegro Lines. Abra de ilog ang pier na kelangnan namin babaan para makarating sa Sablayan. Roro fare is 1,872 pesos para sa SUV plus nagbayd pa kami para sa dalawang tao ng 260 pesos each, libre na kasi ung 2 pa dahil ng sasakyan. We left Batangas Pier ng 1pm at we arrived in Abra de ilog at around 3:45. From Abra de ilog kelangn naman namin mag drive ng 124km to Sablayan,3 hours ang byahe. 


Nung una hindi kami maniwala na 3 hours ang byahe dahil sa ganda ng kalsada ng mga bayan na nadaanan namin. Picture perfect pa ang mga bundok at palayan na iba iba nag shade ng green at brown. Parang ung mga nakikita mo lang sa kalendaryo na free sa gasolinahan. Dito pa lang e sulit na ang byahe namin. Ito ang advantage ng may dalang sasakyan,anytime na gusto namin tumigil tuwing nakakakita kami ng magandang scenery e karakaraka na baba kami at mag po-pose. Until makarating kami sa rough road.. dito na kami nagsimulang kabahan mga halfway pa lang kami pero rough road na at hindi namin alam kung hanggang saan ito. Putol putol na ang maayos at malubak na daan kaya inabot din kami ng 3 hours. Pero generally I would say na smooth ang biyahe namin.

As I said bago kami umalis ng Batangas, sinigurado muna namin na confirm na ang booking namin, pero pagdating namin ng Sablayan, nalaman ko na nag back out na pala ng araw na yun ang isang group na makaksama namin. Wala na kami choice kasi andito na kami, ibig sabihin kami ang magsho-shoulder ng 10k na bayad sa bangka..arrghh! On the bright side, may dalawang foreigner na gusto mag join sa amin, so from 9, magiging 6 na lang kami.

La Sofia Apartlle

Nag check-in kami sa La sofia Apartelle. Malapit lang sya sa town plaza at sa tourism office. Room rate is 950 for an aircon room na may dalawang single bed at toilet. Nagdagdag na lang kami ng 150 for an extra mattress since 4 kami at di kami kakasya sa dalawang single bed.
Kinaumagahan namili muna si jack at ang jowa ko ng mga kailangan namin para sa 2 nights stay namin a apo reef. Medyo malayo ang apo reef at kelangan na enough ang dala namin. Dumaan muna kami sa tourism office para I meet ang dalawang foreigner na makaksabay namin at para i-settle ang mga dapat bayadan. Ang sorpresa sa amin e ng may babaydan pa pala kami na 1500 para sa tourist guide, na later e napakalaking tulong sa amin kaya wala naman kaming regret sa pagbabayd, sana lang naabisuhan kami  before kami mag confirm ng booking namin.Plus 225 pesos each na entance fee,  so all in all nagbayad kami ng 12,850 divided to 6 of us, medyo mahal talaga! Pwede din kayo mag rent ng tent at snorkel  dito. Iniwan namin ang sasakyan namin sa staff ng tourism office matapos maikarga ang mga gamit sa bangka. By 9 am, nagsimula na kami mag byahe ng 2-3 hours puntang apo reef.

Kami lang at isang grupo ng divers ang guest sa apo reef kaya pwede kami pumili ng lugar kung san namin ipwe-pwesto ang mga tent namin.
campsite
 This is what to expect sa Apo Reef, walang fresh water at power supply, pero hindi sya totally untouched, in fact may tatlong concrete office building dito at isang multi purpose hall.Dalwa dito e bakante, bagong gawa pa lang ang  isa na malapit sa camping site, dito din gumagamit ng toilet ang mga guest, samantalang ang isa naman e totally abandon na,madadaan sya on the way sa light house, habang ang pangatlong building ay ino-occupy ng mga taga government, hindi lang malinaw kung anong department sila, dito may solar panel at dito din kami nakiki charge ng cellphone at camera sa tulong ng James (our tour guide).




 Apo Reef is beautiful above and under. Dito hindi ka mabo-bored dahil hindi lang white sand at ganda ng beach ang kaya nyang i-offer Before the sun set,  sinamahan kami ni James  sa light house. Kinabukasan naman ang pinaka inaabangan naming activity, mag snorkel Apo Reef style.  After breakfast, sumakay na kami sa bangka para simulan ang pag snorkel tamad tamadan style, wala kami gagawin kundi kumapit o sumampa sa bamboo grid na mabagal na hihilahin ng bangka palibot sa island. Ito na yata ang pinaka sulit na activiyt na ginawa namin, nakalimutan ko tuloy na ang mahal ng binayad namin dahil sa sobrang saya ng activity na to. Napakaganda ng ilalim ng apo reef, we saw white tip shark, napoleons, sea turtles, iba iba kulay, laki at klase ng isda at corals na hindi ko na kilala, we even saw 2 divers under..hehehe. Halos one hour din na magpapakasawa kami sa pag snorkel. After noon, nagpahinga muna kami at nag swimming naman.



lighthouse

view from top of the lighthouse

lagoon

 After lunch, sinamahan naman kami ni james sa lagoon. Another fun activity. And after that sa isang part ng island na puno ng matatalas na coral. hindi ka mauubusan ng gagawin at hindi ka mabobored dito.
On our last day, nagising kami ng maaga para panoodin ang pawikan na mangitlog sa tabi ng dagat. Sadly, on our last day din nagsimulang dumating ang madaming turista, both  locals of Sablayan and from other places. Nawala ang peaceful life namin ng nagdaang araw. I heard from James na ang ideal lang i-accommodate ng island is 150 persons pero at that time siguro lampas na sya ng 300. Actually binilang ko ang tent that morning at more than 50 na ang nakatayo within sa  camping site namin bukod pa sa beach front.
After malinis ang camp site namin at ma-i-load sa bangka ang gamit at basura namin, nag bye bye na kami sa island, pero hindi pa pala tapos ang pwede naming gawin. Nag segue ang bangka sa isang island, mga 30min away from Apo reef. Hindi pwede mag dock ang bangka malaipt sa island dahil sa baba ng tubig at dami ng corals. Dito uli kami nag snorkel on our own way na. Para kang nasa loob ng giant aquarium. Another one hour na naman kami nagbabad dito. On our way pabalik sa Sablayan sinabayan naman kami ng mga balyena.. I’ve been waiting sa mga dolphin na magpakita pero mga 15 balyena nag nagpakitang gilas sa ‘min.

Sa tourism office sa Sablayan na kami sinamahan ni James na magbanlaw at mag ayos ng gamit  bago bumalik ng Abra De Ilog. Isang chill na road trip na naman pabalik. Kinailangn pa namin matulog ng isang gabi na naman sa Abra de ilog, Good Friday kasi at walng biyahe ng barko pabalik ng Batangas. Another successful summer getaway!


Sablayan Tourism Contact No.: +63 9294280431


calaguas



Calaguas

Vinzons, Camarines Norte

This is a long overdue kwento ng pagpunta namin ng Calaguas.we went here ng holy week April 2011 pa.ito ang problema ko pagkakatapos ng isang island getaway namin, inaabot ako ng katamaran na mag post ng picture at magsulat. Mas gusto ko uli maghanap sa internet ng bagong island ng pwede puntahan. Anyway, Calaguas is truly an eye candy for me, sarap tingnan. Kahit san ako mag point and shoot at kahit mumurahing camera lang ang gamit ko,postcard perfect pa din ang resulta.
Para sa akin, madali lang ang naging pagpunta namin dito. Nag avail kasi ako ng package tour para wala ng hassle.Kaya wala ako masyadong mai-ishare kung paano ang step by step na pag co-commute papunta  dito. Considering na dalawa lang kami, ako at ang jowa,  alam namin na malaki magagastos namin kung kami lahat mag sho-shoulder  ng lahat. Nakuha namin ang package tour ng 3500 per person,3 days and 2 nights, this includes van ride from Manila to Vinzons, Camarines Norte. From Vinzons, banca naman for 2-3 hours to Calaguas. Included na din ang meal at tent as accomodation at mga entrace fee kung meron man. So basically, wala na kami halos bitbit.
Since we’re from Batangas, I asked the organizer kung pwede na sa Brgy Turbina na lang namin sila abangan instead na sa Quezon City pa, which is the pick up point. They agreed naman and they picked us up at around 10pm. Eto na ang mga set back ng pag join sa mga pacakge tour, since kami ang pinaka huli na sumakay ng van, wala kami choice sa pwesto namin. Hindi sya comfortable at masikip, pero kelangan namin ‘to pagtiisan ng 7 hours. After ng ilang stop over at makapigil hiningang pag da-drive ni manong driver , we finally arrived at Daet at around 6am. Gusto ko ng makarating ka-agad agad sa Calaguas pero ang daming segue. Siguro kasama talaga to sa package, nag stop over kami sa Jolibee Daet for breakfast daw. After non, dumiretso kami sa Vinson Church para mag picture taking naman daw. It’s almost 9am na pero wala pa ako nakikitang dagat.

Vinzons Church, Lately nakita ko sa news na nasunog ang Vinzons Church. One of the oldest sa Pilipinas. It’s a good thing pala na nag segue kami dito on our Calaguas trip.

Finally at past 9am e nakasakay na din kami sa bangka, 2-3 hours daw ang journey at wala man lang bubong ang bangka. Hindi na naman kami nakahanda dito, wala pa kami sa Calaguas pero sunog na kami.Medyo rough ride daw ‘to, kaya ito ang pinaghandaan ko, pero surprisingly, hindi naman ako na alarma or anything. Siguro kasi ine-expect ko na pag sinabi na malalaking waves e tubig na parang nasa loob na ng washing machine, ung nag bu-bula bula na ang tubig sa sobrang rough. Calaguas or Mahabang buhangin is part of Tinaga Island. Mas kilala lang ito sa Calaguas kasi ito lang ang part ng Tinaga Island na pinupuntahan ng mga turista. After naming  makarating sa Tinaga Island, Para na kaming mga bata na nag aabang na magandang surprise sa bawat turn ng bangka. Nag roller coaster na ang feelings ko kasi akala ko eto na, hindi pa pala, tapos eto na uli, pero hindi pa din pala.


 Finally, pagpasok namin ng isang cove, sinabi ng boat captain na eto na yun.Well, hindi ako masyado na impress. Sobrang taas ng expectation ko at sa layo ng biyahe namin, parang feeling ko hindi sya worth it. Pero habang lumalapit sa shore line ang banca,nagbabago ang scenery. Nagbago ang kulay ng tubig at sobrang gumanda ang paligid. Perfect 10! Super ganda ng Calaguas. Para kang pumasok sa mga post card na ginagamit sa pag popromote ng Pilipinas. I was the first one na bumaba ng bangka, hindi ko ma explain ang feeling, ito na ang pinakamagandang beach na nakita ko. Super white at pino ng buhangin at hindi sya mainit kahit 12 noon. The pictures tells it all. Everytime na naalala ko ang Calaguas, bumabalik ako sa happy place.






After ma assign ang tent namin at makapaglunch, we had all the time to do whatever we want.  Sa sobrang puyat at pagod sa biyahe, natulog muna ako, unbelievable,natulog lang ako buong hapon..hehehe.
Another set back sa pag sama sa mga package tour e ung hindi mo naman kilala mga kasamahan mo. Hindi pa naman ako ganon ka friendly. Some of them e nakabuo na kaagad ng group nila at nagchichikahan na. Nakaka bored din sa isang lugar kahit paradise pa ito kung hindi naman kayo click ng mga tao sa paligid. Isa pang set back is hindi namin kontrol ang oras ng pagkain. Kahit gutom na kami wala kami magawa kung nag eenjoy pa sa pagpipicture ang mga organizer ng tour. Yes, hindi sila naka concentrate sa business nila. I mean, ilang beses na nila nakita ang Calaguas kaya dapat unahin muna nila ang mga guest nila, pero hindi e. Anyway, lesson learned, don’t rely too much sa mga promises at promotion sa mga tour.
Next morning pa kami nag decide na mag swimming ng todo. Sobrang inviting ng tubig sa mahabang buhangin. Cyan talaga ang kulay ng tubig. Sa sobrang excitement, umaga pa lang nag swimming na kaagad kami. Pero hindi ako nakahanda sa mga nakaka-irita na maliliit na jellyfish. Every morning yata at kapag ganitong season e lumalabas ang sobrang dami na parang plastic na jellyfish.Hindi ka makakalangoy kasi sasabit sya sa kamay at buong katawan mo. Although hindi naman sya delikado, hindi pa din masayang maligo na kasabay sila. My husband decided na mag snorkel pero walang reef dito at wala talagang isda. Wala na kaming ibang activity na magawa  kaya nag decide kami na i-check ang isang side na mabato. Surprisingly, iba na ang kulay at texture ng buhangin pagtawid namin sa dulo ng mabatong part. Para ng brown sugar ang buhangin at mas malakas na ang alon, pero it’s still beautiful. We stayed here until noon, pero still wala pa ding magandang area to snorkel. Relax relax lang at swimming swimming hanggang sumakit ang balat sa init.




After lunch, naghanap kami ng magandang pwesto para magkabit ng hammock. This is life, reading book sa hammock hanggang makatulog.
 For those wondering kung ano ba i-expect nila sa Calaguas, well, walang power supply dito. Most of the tour organizer bring their generator  para may ilaw sa gabi. May fresh water naman para sa pagbabanlaw pero hindi pwedeng inumin and you have to pay per container (at that time e parang 10 pesos per container), good thing kasama na din to sa package namin kaya wala na kami binayadan. And yes, may basic toilet dito. Ito ang isa sa pinaka niresearch ko before bago ko i-avail ang tour. Importante sa lahat ang banyo di ba. Wag lang tayo mag expect ng resort type ng CR, basic lang talaga.
On our last day in Calaguas, wala na kami masyado energy kaya picture picture na lang. Another disadvantage sa package tour e hindi na naman namin mahulaan ng eksaktong oras ng alis. Since mga lasing ang organizer ng nagdaang gabi, tangahalian na ng mag almusal kami. I heard na we’re scheduled to visit bagasbas beach pero wala ng oras. Pagbalik namin sa Daet, nag lunch uli kami at bumili ng pasalubong. We waited for hours na bumalik na ng Manila kasi late na sila nakasunod sa amin sa Daet. We left Daet at around 5 and arrived in turbina again at 12mn.
I guess hindi na hidden paradise ang calaguas, Madami ng nag a-arrange ng tour dito at madami ng nagkwekwento ng ganda nya. Pero sana it stay the same. Tahimik at malinis na paradise para mas madami pang maka enjoy.